Wakamay

Ni Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera, Jr.

1. Choka kay Hinlalaki
Nang itinaas
Ang daliring malapad,
Naging mapalad
Itong gulo ng palad.
Biglang sumiklab
Ang digmang di Pilipinas
Ang nagpadiklap.
Kung sino pang umawat
Siya pang napahamak.

2. Tanka kay Hintuturo
Pinagduduro
Ang sumuway sa puno.
Pinagtuturo
Ng matang nagkanulo
Sa bayong nagtatago.

3. Bussokusekika kay Hinlalato
Walang ginawa
Ang mahina sa gitna
Ng mandirigmang
Paghahari ang nasa.
Walang nagawa, wala.

4. Sedoka kay Palasingsingan
Si Inang Bayang
Pinagsamantalahan
Ang siya pang nasakdal
Sa gandang taglay
Kaya nga hinatulang
Magdusa habambuhay!

5. Katauta kay Hinliliit
At nagpasiya:
“Asya para sa Asya!”
At mali ang malisya.



Montaged 2008 - Cover



Montage 2008 - Back Cover