Sijo kay Kim Hak Soon*

Ni Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera, Jr.

Ang hindi matanggap-tanggap
Ng patak ng luhang-langit:
Kung bakit ang dulas-dulas
Nitong laing kay tahimik
Na nakikinig sa paglaglag
Noong ulap na buntis!

*Si Kim Hak Soon, isang mamamayan ng Korea, ang unang babaeng nagpahayag ng pang-aabuso sa kanya ng mga sundalong Hapon noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Matapos ang kanyang paglantad noong 1991, humiling si Kim ng kompensasyon, opisyal na paumanhin, at pagrerebisa ng mga rekord ng kasaysayan mula sa bansang Hapon.



Montaged 2008 - Cover



Montage 2008 - Back Cover