Sampung Senryu

Ni Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera, Jr.

Nov Takahashi,
Naisip mo ba kami
Nang kosupure
?
Ay maimbento
Matapos mong dumalo
Sa ibang mundo
?
Ng Science Fiction?
May Worldcon yata noong
Nineteen Eighty-Four
?
Kaya George Orwell
Ka pang pa-cosplay-cosplay
Doon sa LA.
?
Totalitarian
Ba ang inyong lipunan
Diyan sa Japan ?
?
Wala lang basta
Naalala lang kita
Ngayong ama na
?
Ako ng apat
At asawang matapat
Kahit sa hirap.
?
At maya-maya,
Papalitan ang mukha
Ng isang dukha.
?
Pag nakapili
Sa wagwagan ng lahi
Ng Makapili,
?
Hupa ang galit
Ko sa mga Hapones
Pag nakabihis!



Montaged 2008 - Cover



Montage 2008 - Back Cover