Pakikipagsapalaran

Ni Deni Rose M. Afinidad

Makikipagsapalaran ako
Sa pagmamahal sa’yo
Kahit iginuhit na sa ating mga palad
Ang wakas
Kahit matalo tayo sa pakikipagbuno
Sa mga braso ng oras
Kahit patuloy na inuubos ng edad
Ang ating mga buhok
Kahit ‘di na natin madugsungan
Ang hininga ng panahon
Kahit nalanta na ang binhi
Ng pag-asa
Kahit unti-unti nang nilulupig
Ng kulimlim
Ang naghihingalong liwanag

Mamahalin ka
May langit man
O wala
Ang iyong mga labi,
Ang aking ulap
Ang iyong mga braso,
Aking paraiso.

Montage Vol. 10 • December 2006




Montage 2008 - Cover



Montage 2008 - Back Cover