Pagbabadya

Ni Ruben Jeffrey A. Asuncion

Hinahaplos ng hangin
ang balat kong
namamawis,
buong araw
naliligalig
sa mundong
maalinsangan.
Kay lamig ng paghimod.

Samantala,
humahagod  sa gunita
ang tanawin
ng marahang
paggapang
sa panganorin
ng bunton-buntong
kulay-abong
babala
sa paparating na unos.

Kailangan ko nang magkapote.



Montaged 2008 - Cover



Montage 2008 - Back Cover